Classic

though i wanted to attempt writing poetry again, i don't think i'm in the mood to bleed ink. So pulled one from my archives of better known poems by writers better than me.

Here is a classic from Lualhati Bautista. I first read this during my college days.

20 f@king plus years ago.

---

Dyugdyugan


bago ka lumapit, gusto kong malaman mo
na sa loob ng maluwang na blusa ko
diretsahan ito, wala akong suso.

ang sagot niya, wala raw ‘yong kaso.

nawi-wish ko rin
na sana’y pareho kami ni carmi martin
huwag kang tanga, sagot niya
pag gano’n na kalaki, mahirap ding dalhin.

siguro’y alam mo ring nagdaan na ‘ko sa iba
sa kamang ganito, meron nang nakasama.

ang sagot niya, basta mahal kita.

ang tiyan ko’y marami nang bakat
ng nagdaang panganganak.

sabi niya, hulog daw iyon ng langit
bunga lang ng matamis na pakikipagtalik.

pero si sharon cuneta, sa kanyang pelikula
may asawa na’y virgin pa.

sabi niya,
kaya kita mo, hindi siya lumigaya.

sinasabi ko lang sa’yo
di ako humihingi ng paumanhin
ang sasabihin ng tatay mo
kaya mo bang tiisin?

ang sagot niya, mahal
ako’y malaki na
ang buhay ko’y akin, ako’ng magpapasiya.

pagkatapos ng romansa at magaling na bukadura
nag-asawa siya ng iba.
- Lualhati

---
Don't say you weren't warned kiddies.

Comments

Popular posts from this blog

Crisis of confidence

Here's to a thousand hits

Topics we can explore