Classic
though i wanted to attempt writing poetry again, i don't think i'm in the mood to bleed ink. So pulled one from my archives of better known poems by writers better than me. Here is a classic from Lualhati Bautista. I first read this during my college days. 20 f@king plus years ago. --- Dyugdyugan bago ka lumapit, gusto kong malaman mo na sa loob ng maluwang na blusa ko diretsahan ito, wala akong suso. ang sagot niya, wala raw ‘yong kaso. nawi-wish ko rin na sana’y pareho kami ni carmi martin huwag kang tanga, sagot niya pag gano’n na kalaki, mahirap ding dalhin. siguro’y alam mo ring nagdaan na ‘ko sa iba sa kamang ganito, meron nang nakasama. ang sagot niya, basta mahal kita. ang tiyan ko’y marami nang bakat ng nagdaang panganganak. sabi niya, hulog daw iyon ng langit bunga lang ng matamis na pakikipagtalik. pero si sharon cuneta, sa kanyang pelikula may asawa na’y virgin pa. sabi niya, kaya kita mo, hindi siya lumigaya. sinasabi ko lang ...